Wednesday, February 9, 2011

TANGGALIN ANG BAN NG AFGHANISTAN AT IBA PANG BANSA

Kumusta mga kababayan kong manggagawa, lalo na sa mga bansa na hinde pinapayagan ng ating gobyerno na makapagtrabaho,lalo na ang Iraq at Afghanistan.Kaya lang naman ako naingganyo na gumawa ng blogg ay sa dahilan na para mabasa rin ng iba pa nating mga kababayan o lalo na ang ating gobyerno na nagbubulag-bulagan sa katutuhanan,.
Kaming mga nandito sa lugar na ito ay sinasabi nilang napakadilikado para sa amin na magtrabaho sa dahilan nga na ito ay nasa gyira,piro ang totoo po ay napakaganda ng aming mga kalagayan d2, mas masasabi ko pa nga na dilikado pa ang bansa natin kasi lalo na sa daming mga patayan ang nagaganap at di rin natin alam naglalakad lng tayo sa kalye ay bigla tayong kinursunada ng mga drug addict sinaksak ka at pinatay.
Piro sa lahat po ng mga nangyari sa ilan natin'g kababayan na nakidnap lalo na sa Iraq kay Mr.Angelo Dela cruz yon po ay napakalaking pagkakamali nya dahil sya ay humiwalay sa kanilang convoy at may bibilhin sya sa isang village binaliwala nya na nasa danger zone sya.......
Isa pa po, yong pagkamatay ni Mr.Torres sa Iraq din, alam din nya na dilekado ang magpunta ng Baghdad City tapos tinuloy parin nya....sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa....kaya ang masasabi ko na sana sa lahat ng mga kababayan ko lalo na na nasa war zone tayo ay wag magkumpiyansa at di naman tayo pinapayagan ng ating mga kumpanya na magpunta sa mga lugar na mga dilikado diba?
At ang isyo po lamang dito ay sana tanggalin na ang ban ng Afghanistan at Iraq.....Hinde po namin kikitain sa bansa natin ang kinikita namin d2 alam nyo po ba na kong magkano ang sinasahod ko jan sa bansa natin noong ako ay namamasukan pa?kumikita lang po ako ng 350 pisos ang isang araw sa Cavite pa ang uwi ko tapos sa Maynila ang trabaho ko, isa akong Electrician.Nang magpunta ako ng Iraq sa taon ng 2004 February at sa ngayon ay nandito na ako sa Afghanistan...alam nyo po kong magkano na sa ngayon ang kinikita ko dito 4 na taong pagtatrabaho-an ko jan sa ating bansa at dito ngayon ay magtatrabaho lang ako ng isang buwan kuha ko na ang 4 years na trabaho jan sa ating bansa gaano kalaki ang pagkakaiba,sana naman ay tanggalin na ang ban at ng matigil narin ang tinatawag na kurakot jan sa NAIA.